Q: Ano po pinagkakaabalahan nyo ngayon?
A: May kailangan ako shoot today for campaigns ko with 1) a tourism org, 2) dalawang skincare brands saka yung 3) I just blogged about it isang "wasteland" shop :)
Q: Ultimate oppa?
A: Wag nyo ko papilliin mga chingu hahahahahahah
First oppa talaga Lee Min Ho
Tapos naging Nam Joo Hyuk and Park Hyung Sik
Now si Cha Eun Woo and V ... pabata ng pabata hahaha! di ko na ata oppa mga yun, ako na ang Noona nila LOL
Q: Hi Anna! How do you deal with procrastination?
A: Mahirap to! Haha! But siguro a few things:
Nag lilista talaga ako ng need ko gawin, and rank them in order ng kailangan tapusin
Minsan sinesetan ko pa ng time per number, so if di ko natapos yung number 1 on time and nag alarm na yung phone ko, dapat move on na sa number 2 *unless in the zone pa ako sa first task
Nag kakape ako ng bongga, lol
Lastly, siguro important for me is masimulan ko, may magawa ako kahit draft lang ng article.. or may maedit akong photos today.. Tapos balikan ko nalang uli tomorrow or on the next days if hindi asa good standards yung work ko for the day... impt is to start somewhere! Kaya nagwowork sakin yung mahabang lead time, or agahan talaga from deadline yung work para may time to "edit"
Q: Been a fan even before you and Aisa started Bloggers United! 💗
A: THANK YOU!!! Ang tagal na nun wahhh thanks for staying! ❤
With my complete opposite @paxieness during Sinulog 2013--super mas hilarious yan and fun girl to be with!!! :) Pls stan #PaxAna charot hahahaha pati language ko nagiging pang kpop na hahahaha
Q: Ano una mo pupuntahan na travel place after pandemic? Miss ko na mag travel! Super!!!
A: I super miss it too! Gusto ko sabihin Korea coz actually may nabook ako na Incheon for 2021 with @artsyava using our cebpac travel funds na dapat for Hanoi namin last April... but promise if by some miracle pwede na mag travel uunahin ko Pilipinas. Boracay, LU, or Palawan. :)
Q: If you could spend one day with an oppa, who would you choose and what will you be doing? Hehe
A: Taehyung or V, and siguro visit yun isa sa bucketlist ko: Van Gogh Museum and Sunflowers in Amsterdam since Van Gogh fan din sya :)
Q: Sino po paborito niyong bff?
A: Ahhh fan daw sya ng ASTRO at Noraso (Because It's You) hahahahaha 😂
Q: Ano pwedeng gawin or puntahan kapag first time sa Korea?
A: I have blog about this! Around Seoul & Gapyeong! Click here for details. ❤
Q: If sabay concert ng BTS and Astro, kaninong concert ka aattend? 😄
A: Mag dadasal muna ako na di mangyari to o tipong 2 days ang concert ng isa sakanila at marami ako pambili ng ticket by then para kayanin ko gastos ng isang fan girl hahahahaha
Q: How did you figure out what you really wanted in life? (Bcos im in a confusing stage rn)
A: Honestly long process din to for me! I never knew what EXACTLY I want to be in life.. may time akala ko magazine writer but hindi ko sya nagawa as work.. but I kept on writing parin (sa blog). Siguro minsan you have to know what your mission is why you want to do something para kahit maiba yung medium, yung mission mo andun padin nagagawa mo. I want to write to inspire before. Narealize ko di lang pala sa magazine ko to magagawa. :)
Secondly, nalearn ko rin na kung ano yung asa harapan ko right now, I have to embrace it FULLY. Ang tagal bago ko masabi na Fulltime Blogger ako kasi before parang odd job sya, parang hindi real job sa mata ng iba. Pero the more na ganun ko sya itreat, pano ko fully maeenjoy yung work ko and mabibigay yung best ko? :) since nun naging open nako na "im a travel blogger", alam nyo the more na nagka invites ako noon for airlines & tourism orgs and write abt countries like Japan, Malaysia, Korea, etc.
Q: Anong nagustuhan niyo po sa ASTRO aside kay Eunwoo? 😂
A: The songs! From 2016 Hide & Seek to 2020 No, I Don't ... Ang gaganda ng songs ng ASTRO. Try nyo! (Haha)
Saka good vibes sila, yung pag binge ko ng Youtube vids ng ASTRO nun nag start ako maging AROHA, tawa lang ako ng tawa (cicada anyone?) hahaha! Can't help but root for their success.
Sana makuha din nila biggest break nila. Rooting for ASTRO forever!
#OT6
Pag may questionnaire sa mga Aroha grps if manonood ka ba ng ASTRO concert kahit wala si Eunwoo, I always answer YES.
Q: How did you become a vegetarian po? Hindi po b kayo nagcrave sa meat? 😊
A: Isa din to sa favorite topics ko hahaha and may mahaaaabang blog post din ako about my veg journey! :) Click here if you wanna read 🌱
Follow me on Instagram @anagon. Till next Monday!
0 Comments
Your turn! Always excited to read your comments! :)