Out of the Blue







Top - Cristina Decena | Pants - SM Ladies Fashion | Heels - Zara | Shades and Bracelet - Crave More | Photos - Christine

Sobrang at home na at home photos earlier in St. Scho (kahit may padaan daan jan non sa Music Dept hallway, haha) for their annual Valentine's Day/St. Scho Feast Day bazaar, na swerteng nainvite uli (I love it there--maliban sa may high school /alma mater bias talaga ako--ok talaga ang sales! ;p). May time na Christine (my ever-bazaar-partner) left, and then nainitan ako sa booth ko sa may field area, so I decided to just seat sa may mga benches na dati naming tambayan nung seniors kami. I mobile-blogged from there, and then nun natulala nako, I stared blankly and realized kung ilang years na ba since I last sat there. Most of the time, I was thinking of my barkada. :p 


Nung naglabasan na ang mga bagets for lunch break, mejo may onting fear ako na may magpatalsik sakin na may-ari ng tambayang inuupuan ko--but biglang snap-back kaagad to reality at naisip ko, tekaaa 28 nako, teacher pa nga! (lol). Ako na mismo makakasindak sa mga seniors na yan! ;p Haha! Ang mga terms nga naman noon, sindakan! Hahaha!

Had a great conversation afterwards with Christine when she got back -- on high school cliques, power of the badge (!), and kung gaano ka-extremely territorial ng mga barkadas noon when it comes to their own "inangkin" na space. ;p Bawal makiupo! Haha. Oh high school!

Some iPhone photos!:)

Nakailang balik ako sa canteen namin earlier, for lunch ...and then 1 million snacks! Haha! I had tortang talong (my fave!), corn in cup, cheese sticks, fries, dirty icecream, and popcorn! ;p Nagpipigil pako nyan!

Walang kupas ang school canteen foods noh? Mura pa like Php10 ang cheese sticks or the pack of popcorn!

 Given na na super init sa bazaar pag campus, pero given din na ok ang support! :) Super happy rin just to be there again, may excuse ako sa mga strict kuya guards ng Gate 1 kung bat ako papasok ng school! ;p

Class picture situation going-on, lol.

Nakakamiss yung paupo-upo lang kayo sa field (or sa benches), ang iniisip mo lang kung kakasha pa ba ang baon mo for another round of fried siomai or Chicken Fillet with Gravy and White Sauce (di pako vegetarian non), o kung kelan ba matatapos ang usapang soiree, mabubunot na ba ako sa Days?, ano ba ang next backdrop painting ng art club (di pa uso tarp nun), sa UST ba ako papasok o sa Ateneo (;p), at pano nga ba pumasa ng physics? ;p

Nakakamiss ang barkada (barx!)! I think, looking back, my high school revolved around them. I am proud that we never lost touch kahit na halos once a year nalang kami nagkikita-kita lahat (for Christmas party ;p).
Through ruffled collars and blue jumpers! ;p Happy Feast Day St. Scholastica! :)

2 Comments

  1. Love blue! Napaka nostalgic talaga pag bumabalik ka sa alma mater :)

    ReplyDelete
  2. OMG may cheese sticks pa sila?! I mean, sa SSC ako first nakatikim ng masarap na cheese sticks habang naghihintay ng school bus sa Gate 6! Waaah. Nakakamiss.

    ReplyDelete

Your turn! Always excited to read your comments! :)

Follow Me On Instagram

2024 Anagon's Blog. All rights reserved. email me: mail.anagon@yahoo.com