Walk




Matagal-tagal ko nadin plinano to. Parang nagpaplano ng bawal, tahimik akong nag research ng maigi gabi-gabi, nag Google Maps, paulit-ulit na pag tanaw sa weather forecast (dahil ito ang pinaka crucial sa isang walk sa isang malamig na bansa), at nag Google ng detalye ng kada kanto, kalye, at minutong igugugol (gugol!) para makarating sa kahit saang lupalop pa basta interesante dito sa areang tinitirhan ng Tito ko sa Maryland. Matagal din kaming mistulang na-house arrest dahil sa Polar Vortex, at lalong dahil sa pagiging hindi commuter-friendly ng lugar na ito. Buti nalang kanina, matapos mag misa, nayaya ng nanay ko ang isa ko pang Tita para tahakin ang Conowingo Road patungo sa pinaka-malapit na grocery.

Grocery! At hindi nga manlang sya matatawag na grocery, kundi parang Watsons lang natin na malaking pharmacia na may grocery section! ;p Masaya na ako nyan. Maliban sa naarawan uli, at nakita ko na ang lawa na nanigas na yelo sa corner ng kalye ng bahay ni Tito, nakasaksi din ako ng cute na mga bahay, mailbox, puno, pinutol na puno, at mga lugar na maaari naming ilagay sa aming next agenda sa susunod na walk--tulad na lamang ng Waffle House at 7Eleven na may gas station. Bongga!

Matapos mag panic buying ang sandamakmak na kakaibang chocolates at beauty products, umuwi kami at nag dinner ng instant ramen, at tinapos ang gabi sa panunuod ng Golden Globes. :p 



Read more of my USA 2013-2014 posts.

0 Comments

Your turn! Always excited to read your comments! :)

Follow Me On Instagram

2024 Anagon's Blog. All rights reserved. email me: mail.anagon@yahoo.com