Wanderland Music Festival 2013
Right after our Basic House ganap, agad-agad takbo na with Paul and Pax to the Globe Circuit Event Grounds for Wanderland. Hindi na din namin pinush na sulitin from 1pm, basta ang habol namin yung three main foreign acts!
Madali naman nanavigate ni Kuya Edwin this new concert venue in Makati. Okay din the parking area, sobrang spacious! When we got there, hashtag-no filter ang drama ng clouds! Feel na feel ko na, shet! Parang first taste of our very own Coachella nato!
Pax and I bought our tickets online, nakakita sha ng tig P3500 lang each for the VIP tickets, so inavail na namin in case di ako manalo sa mga pinagsasali kong online raffle (hehehe, true enough, hindi nga! ;p). May mga nag "walk-in" din that day, they were selling tickets parin sa entrance.
Infer ayos nadin ang P5k for a music festival a! Naalala ko kay Katy Perry asa P4k ang ticket ko, di pa VIP yun!
Inside the venue, bago pa namin mareach ang stage area, sandamakmak na avail na kami sa sponsors booth! May mga papicture paandar lang sa bike thing ng Bobble water bottle, may freebie na kami!
Bet ko din yung bumungad agad ang Havaianas booth sa entrance - na unli drink naman ang offer! Hi Paul, Pax, and Niche!
Finally, stage! Overwhelming yung feeling to be there! "I'm home" ba! Hahaha ;p
Di ako hipster, though, hahaha, but feeling hippie ako ever since! And dream ko before pa na sana inabutan ko ang Woodstock ng 1970s. Eto yung version natin!
Gold section, not bad na a!
Isa pang natutuwa ako yung kanya kanyang paandar ng mga concert goers, Maliban sa nakakaaliw na outfits, may mga colorful tiedye panlatag pa, floral wreaths, and yung favorite ko yung mga nag setup ng tent pa--tapos may mga nagbabaraha sa loob! ;D
Ready to party! We also got these waterproof Wanderland bracelets in pink... pag sa gold section ka naman you'll get the yellow bracelets!
We also saw Kookie!!! :)
Una naming naabutan yung Tully on Tully. Ang cute ng girl, tapos may ukelele pa sha!
Di naman excited si Paul noh?! Lol.
Isang baso palang ng alcohol from Havaianas yan! ;p
Gusto ko tong Keds bike! Paka-indie!
Picture lang kami ng picture habang di pa yung favorite songs namin hehehe. Minsanan lang to so gow lang sa pagcapture ng memories!
Eto favorite ko! Sakto nalang medyo ngalay na kami at walang nagbaon samin ng panlatag haha. Buti biglang nakita namin si Chinky of Roxy / Bauhaus, and she offered us the couch in their area!!! PANALO TO! Instant stargazing mode kahit walang stars! ;p Lol.
Pax ayos pa tayo jan!? Hahaha! Sarap mag chill dito habang background music ang Up Dharma Down! Naiimagine niyo yung setting na yun!??
photo from @laurenlisondra |
Beer and sightseeing, habang tintry mag update ng Instagram (pero ang hina ng signal, haha)
We also saw Dan Buenaventura of Status Magazine, na forever supportive sa BU! Sorry naman sa fisheye, parang same to ng vision ko at that moment, hehehe.
More fisheye shots, hehehe. Pax and Papi Paul:
With me naman, hehehe:
This was while waiting sa line ng Thai food booth. Asa gold section yung most of the lafangan, but pwede tumawid dun ang vip ticket holders. Tawa kami ng tawa ni Pax in line, hindi ko na maalala kung bakit! Di ako nainip sa pila, pero asa 30 minutes pala halos kami andun (daw!) :D
Asa gold section din tong inflatable slide. Nope, di ko na inattempt hehe:
Art wall here and there. Si Pax yung nakasilip, hehe
Finally, our dinneeeer! Thanks Bff for the treat! :)
Picnic style!!! Grabe may mas mumusic festival pa ba dito! :D
When we got back, andun na si Tracy Ayson!!!!! Mahabang kwento, pero in short, totally unexpected she got her ticket for free ng last minute!!! :D
Papunta kami ni Paul sa Rayban for the free mineral water, when I saw Ms. Divine Lee! Nag "Hi idol!" ako, and asked for a picture! :)
Gusto ko din nung namato ng free chips ang Oishi, dahil bias ako sa Oishi! Hehe.
Matagal din kaming nakahilata sa couch a, stargazing and sumeselfie...
photo from @laurenlisondra |
....But napatayo na ako nung tinugtog na yung intro ng Inside of Love by Nada Surf. Favorite moment ko yun sa Wanderland performances, one of my favorite sentimental songs! :)
Thank you Pax for running with me sa stage area at kahit sinabi mong "Yan talaga yung gusto mo!?" Hehehe.
Although moment talaga yung Nada Surf, sobrang EPIC naman ng Neon Trees dahil lahat na kami lumapit sa stage! Eto ang maganda sa music festivals, no sections kaya pwede ka makalapit kahit ganitong ka lapit!
Got this from Neon Trees' IG---sobrang saya at riot ng set nila! We were dancing lang the whole time!
photo from neon trees' ig |
And then finally, before Temper Trap, break lang uli while the band's crew arranged the stage. Tambay muna uli this time sa Rayban area.
Lumapit na uli kami ni Pax nung nagsasound check na para masecure na namin yung pwesto in front. Panalo sa lahat tong experience namin while waiting sa barricade sa stage area...May couple sa harap namin, tapos biglang humarap yung guy. Sabi samin kung gusto ba namin picturean niya kami with our cam, e gets na namin ni Pax na gusto lang niya na after e sila naman magpapapic. So kami, "okay lang po akin na po yung camera niyo". Right after, narealize at pinagbubulungan na namin ni Pax and Tracy na familiar talaga yung guy. Tapos biglang may mga bouncers na na nagpapapicture sa kaniya!!
Eto na siguro ang "parang asa movie" eksena nung Wanderland! We were right next to Parokya ni Edgar's Buwi!!! Kwela sha manuod ng Temper Trap, sobrang hyper!
Pax: We love Parokya!
Buwi: Go Temper Trap!
Hahaha!
Matapos ang sayawan nung Neon Trees, ang sentimental naman nung Temper Trap. Shempre last song Sweet Disposition! Grabe intro palang nakaka goosebumps na!
Buwi: Go Temper Trap!
Hahaha!
Matapos ang sayawan nung Neon Trees, ang sentimental naman nung Temper Trap. Shempre last song Sweet Disposition! Grabe intro palang nakaka goosebumps na!
The night ended with a shower of confetti!
Can't wait for next year's Wanderland Music Fest! Wishlist ko sila Dashboard Confessional, Fall Out Boy, Augustana, Death Cab for Cutie, Red Jumpsuit (hahaha), or Jimmy Eat World naman! :D Basta mga One Tree Hill bands hahaha, pati pala Snow Patrol! Can you imagine yung nakahiga ka sa Bauhaus couch tapos ang tugtog yung if I lay heeeere hahaha! :D OMG!
Also read my first Wanderland post: Feeling Tumblr - Wanderland 2013
6 Comments
Di kita nakita! Sayang! Pero sobra yang Wanderland! Super memorable! :)
ReplyDeleteI-aachieve ko next year maka-attend ng Wanderland! Hahaha
ReplyDeleteOMG!! Next year pupunta na ko!! Wohooo. Sayang wala naman kasi akong friend na mahilig sa gimik haha. I love this post. Nafeel ko yung saya tsaka excitement for next year! :)
ReplyDeleteOMG!! Next year pupunta na ko!! Wohooo. Sayang wala naman kasi akong friend na mahilig sa gimik haha. I love this post. Nafeel ko yung saya tsaka excitement for next year! :)
ReplyDeleteBakit wala neto sa CEBU! HAHAHA!!! love all your photos!
ReplyDeletetoni perfumed red shoes
Hi Ate Ana! Wanderland sounds like a lot of fun! Although I don't know any of the bands that performed kaya hindi ako pumunta. Haha! Siguro kung yung nasa wishlist mo na bands ang magpperform baka pumunta ako :D
ReplyDeleteYour turn! Always excited to read your comments! :)