Art is a way of survival




"Art is a way of survival"--words from Yoko Ono, my idol John Lennon's wife.
Sila na ang couple na may controversial magazine cover, hehe.


Hat - Gelo Arucan, BU4
Yoko Ono T-Shirt - Zara
Black Bubble Skirt - Mixed--bought this back in college for only P100!
Red Belt - SM Accessories
Black Flats and Blue Satchel - SM Parisian
Yellow Watch - Timex x Asprey
"LOVE" Bracelet - TBS, from Pax :)


Ang question is, what am I without art? (Nuks) Nung grade school to high school, walang mintis na Art Club ang sinasalihan ko! Naging Art Club President pa ako nung fourth year! College naman, kahit theater ang sinasalihan kong orgs, always asa costumes and props department me! And ngayon, tignan mo nga naman, ang bread and butter ko are my wearable art! :)



Tag from my t-shirt: YES.


Para panindigan na ang art, wore accessories na kabilang sa primary colors:



Hello world, from your "hulas" blogger! Hahaha! favorite word ko na yan ngayon, I think I got that from Pax, another term for gusgusin (ata!). :P Today (or kanina) ang first day of St. Scho Manila mini bazaar, organized by the Mass Com college students as fundraising activity nila. Di ko maexpress excitement ko for this other than sa based from past bazaar experiences, dito sa St. Scho forever PATOK! Haha! As in umuuga levels yung table of panindas ko every time. Akala mo kung sino kang block buster movie kung maka pila ang kids! Love them!  Haha! 
O ayun nga, aside from ok palagi ang sales, I studied in St. Scho from Prep to High School! In short, whenever I go there--kahit gaano katagal pa ang interval, I ALWAYS feel that, hay grabe, I am home.


Spot Anagon Collection:


Shared booth space again with Christine Liwag of Crave More! :)




My new MENU for this bazaar:




Gumawa rin ako ng V-Day worthy word necklaces, lol--Clingy, Mushy, Kilig, etcetera, hehehe:


Every time tumatayo ako to buy food or for CR breaks, I always take advantage of this time para makapag tour! Tingin tingin kung ano na ang nagbago sa aking Alma Mater, but most especially more on to look back sa mga lugar na filled with sooo much good memories! 


Tambayan namin yan ng barx ko nun seniors na kami, 16 kami sa barkada, haha siksikan! Jan din kami nag ccram ng homework (o kumokopya nalang ako sa kabarkada ko, lol)


Eto naman pag for smaller barkada, tawag namin jan "stones"! Haha--"See you nalang sa stones a!" Haha!


May ganap din sila that day! Ayan ang field namin. Jan palagi ang mass, at every Monday naman Morning Praise jan din---na forever ako late kaya pinapastay sa likod! Haha!


Bazaar area:



Bongga si neighbor booth namin, daming 1D shirts! :P


 St. Scho SCIONS pala ang team namin, haha! Parang ang hirap i-cheer yun pag volleyball o basketball game a haha ang bulol-able!


Sa dakong canteen....

Ang cute lang ng homemade delights!...

 



Yes may V-day gimmick yung isang stall! Hehe!


 Grabe some things never change, hahaha! 


Anjan padin ang tig P10 na popcorn, kropeck, chicharon, at cotton candy! Inuubos ko allowance ko dito, hahaha.


 Grade school area...St. Maurus ako nung grade 4!


Eto dreaded room ko nung high school, hehehe...


Uniform ko for 11 years:


Nung hapon na, ang sarap lang mag people watch! May grupo na oa sa harutan and pag lalaro!


Training ng volleyball players:


 May dumaan namang baby kiddos in front of our stall na may pad paper and pencil! Tapos nag lilista sila serious-face on, natawa nalang kami ni Mommy sabi ni Mom: "Ano kayang binoblog nila!?" Hahaha!


And may ganaps sa field, but ang catch / benta sa lahat is.... umuupo padin ang mga kulasa sa grass! ;D


With Mommy (and Jenny) the whole day! :) Thank you for helping me man the stall! Mas nasenti pa ata si mudra guys sa pag pasok namin uli sa St. Scho! Hehehe! Ilang years din daw nila kami sinundo-hatid ni dad dito---nung time na yun wa-ko knows pa sa commuting! Di pa fashionista commuter! Hehehe!


And of course! Umuulan parin ng dahon! Walang season yan guys, everyday lang talaga feeling fall palagi, hehehe. :)

Tired but super fun/worth it! 
See you again tomorrow, Kulasas!
PS: Happy Valentine's Day, guys! :)


4 Comments

  1. Happy Valentine's Day <3 LOve, Love, Love!

    ReplyDelete
  2. Ang sweet and supportive naman ng Mommy mo :)

    ReplyDelete
  3. BET!!! :) Sarap lang mag-reminisce ng high school memories. Parang kelan lang no! Tapos konti lang yung pagbabago. :"> Kakamiss!!!

    ReplyDelete
  4. Ang ganda mo sis!! Ganda ng get up mo haha. Ang ganda ng pictures mo. Ang ganda lang!! Makakaavail din ako ng anagon soon!! HAHAHA. At bet ko yung 1D shirts ha :))

    ReplyDelete

Your turn! Always excited to read your comments! :)

Follow Me On Instagram

2024 Anagon's Blog. All rights reserved. email me: mail.anagon@yahoo.com